Ang mga halimbawa nito ay ang mga taong naghihirap sa buhay na pinagmamaliit sa mga taong maraming pera. At inabuso ang mga taong naghihirap at nagtatrabaho para sa mga taong mayaman pero naniwala sila na wala silang maggawa. Dahil iniisip nila na wala silang kapangyarihan laban sa kanila. May mga tao talagang gustong gagamitin ang tao parang isang bagay na matapon lamang. Pero may dadamin naman sila dahil tao lang sila katulad natin. Kaya iyon ang dahilan kung bakit dapat nating ipakita ang paggalang sa bawat isa. Tulad ni Crisostomo Ibarra, siya ay muling itinakda ng mga padre. Kaya’t nagalit siya at gumamit ng karahasan pero bago niya ginawa yan pinigilan siya ni Maria Clara. Pinakita dito na ang pagmamaliit ng iba ay nagdadala lamang ng kaguluhan at sakit sa ibang tao. Dapat natin susundin si Maria Clara at supportahan natin ang taong pinagmamaliit.
Ang maggawa ko dito bilang isang kababataan ay rerespeto ko ang iba’t ibang tao. Kahit ano man ang itsura nila, gaano sila ka kahirap sa buhay o kung saan man sila pinalaki. Dapat tayong magpakita ng kabaitan sa iba at pantay na tratuhin ang mga ito. Alam ko rin na minsan gagawa rin natin to sa ibang tao, kaibigan o ang pamilya natin pero dapat kailangan nating malaman humingi ng kapatawaran. Kung makita natin ang mga taong nabiktima sa pagmamaliit, dapat natin sila tulungan. Sa ganitong paraan, maaari natin maihinto ang pagmamaliit sa ibang tao at maiwasan ang pagsasakit ng ibang tao. Para magawa natin to dapat tayo magtulangan at magtuon sa pagpapabuti ng isang tao at hindi ang kanilang kamalian. Kahit na mayaman ka o mahirap sa buhay, kailangan mo pa ring malaman na ang panlalait sa iba ay hindi maganda sa paningin. Iyon ang dahilan kung bakit ang tanging paraan upang matigil ito ay makipagtulungan tayo sa bawat isa at iginagalang ang mga pagkakaiba sa bawat isa.


No comments:
Post a Comment